Wednesday, August 22, 2007

" I shall return...."

“…ang nakakapasong tingin ng mga kapitbahay। Ang mga nakakasugat na dila. Ang nakakasakit na panghuhusga. Mga totoong halimaw na di mamamatay sa bala…– Bob Ong, Macarthur”

Medyo masakit ang likod ko, sinisipon pa... di kasi ako sumusunod sa bilin ni ina, " wag matulog ng walang damit at wag tatalikuran ang electric fan...", eh anu nga bang magagawa ko, naliligo na ko sa pawis... napakainit kaninang umagang natulog ako...
May kumakaluskos at nag-uusap sa ibaba, sa may kusina. kakaibang ingay... nagtatalo sila, medyo naiintindihan ko ang pag-uusap nila pero kakaiba talaga ang tunog... parang mga alien na naghahanap ng pagkain... kung ganuon man, maluwag kong ibibigay ang tira kong Maling sa ref... si Queen kasi pinamana pa sa akin yun, di naman ako kumakain nun... Nasusuka ako maisip ko palang ang latang kulay orange na may drawing na pusa... Pero pinaghirapan kong buksan yun, wala kasi akong abre lata, ang mahal kasi eh... P80 ang isang delatang device na yun... meron sa starmall sampung piso, pero parang di makakabukas yun... kaya ginamitan ko ng kutsilyo... Nung mabuksan ko na at na-slice... Lintek na anak ng Maling, wala palang mantika... kaya hayun pinatulog ko muna sa loob ng ref... siguro mga tatlong araw na....
Kung iyon man ang kailangan ng mga kumakaluskos sa kusina, sige sa inyo na!!!! pero iba yata hinahanap nila... Timba daw? Nagrereklamo sila... May makinang umiikot naman na nagpoapabula ng damit at hanep extreme sizes na mga palanggana at batya... Naghahhanap pa sila ng timba...
Naligo ako, nagbihis at maingay na sumasampal sa tiles ang suwelas ng sapatos kong synthetic leather.. pero di ko man lang nakita ang mga mukha ng mga nangangaluskos sa kusina...

Mahilig ako sa libro... Kung saan man may tianggean ng libro... nandun ako... Madami akong libro, madami akong babasahin... Pero puro simula lang nababasa ko... Di ko matapos... Because I'm a busy person!!! wohoo!!!
Pero todo excitment na ito... Lalo na at lumabas na ang pinabagong libro ni Bob Ong... Sana may makit a ako sa bookstore sa weekend.. bibili ako... Lalo pa't kapangalan ko ang title... dedicated ba sa kin to? I shall return ang drama... parang Buknoy the fighting ball...